Sangay ng mga Kaasalan

S: Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang pinakaganap sa mga mananampalataya sa pananampalataya ay ang pinakamaganda sa kanila sa kaasalan." Isinalaysay ito nina Imām At-Tirmidhīy at Imām Aḥmad.

S: 1. Dahil ito ay isang kadahilanan ng pag-ibig ni Allāh (napakataas Siya);
2. Isang kadahilanan ng pag-ibig ng nilikha;
3. Ito ay pinakamabigat na bagay sa timbangan ng mga gawa;
4. Nag-iibayo ang pabuya at ang mga gantimpala dahil sa kagandahan ng kaasalan;
5. Isang palatandaan ng kalubusan ng pananampalataya;

S: Mula sa Marangal na Qur'ān. Nagsabi si Allāh: {Tunay na ang Qur'ān na ito ay nagpapatnubay para sa siyang pinakaangkop} (Qur'ān 17:9) Mula sa Sunnah ng Propeta yayamang nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ipinadala lamang ako upang maglubos ako ng maayos sa mga kaasalan." Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.

S: Ang paggawa ng maganda ay ang kamalayan kay Allāh sa palagi at ang pagkakaloob ng kabutihan at paggawa ng maganda sa mga nilikha.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nag-atas ng paggawa ng maganda sa bawat bagay." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ilan sa mga anyo ng paggawa ng maganda:

* Ang paggawa ng maganda sa pagsamba kay Allāh (napakataas Siya) at iyon ay sa pamamagitan ng pagpapakawagas sa pagsamba sa Kanya.
* Ang paggawa ng maganda sa magulang sa salita at gawa.
* Ang paggawa ng maganda sa mga kaanak at mga kamag-anak.
* Ang paggawa ng maganda sa kapitbahay.
* Ang paggawa ng maganda sa mga ulila at mga dukha.
* Ang paggawa ng maganda sa tagagawa ng masagwa sa iyo.
* Ang paggawa ng maganda sa pagsasalita.
* Ang paggawa ng maganda sa pakikipagtalo.
* Ang paggawa ng maganda sa hayop.

S: Ang kabaliktaran ng paggawa ng maganda ay ang paggawa ng masagwa.
* Kabilang doon ang pag-iwan ng pagpapakawagas sa pagsamba kay Allāh (napakataas Siya).
* Ang kasuwailan sa mga magulang.
* Ang pagputol ng ugnayan sa mga kaanak.
* Ang kasagwaan ng pakikitungo sa kapitbahay.
* Ang pag-iwan ng paggawa ng maganda sa mga maralita at mga dukha at iba pa roon kabilang sa masagwa sa mga sinasabi at mga ginagawa.

S:
1. Ang pagkamapagkakatiwalaan sa pangangalaga sa mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya).
Ang mga anyo nito ay ang pagkamapagkakatiwalaan sa pagsasagawa ng mga pagsamba gaya ng ṣalāh, zakāh, ayuno, ḥajj, at iba pa sa mga ito kabilang sa isinatungkulin ni Allāh sa atin.
2. Ang pagkamapagkakatiwalaan sa pangangalaga sa mga karapatan ng nilikha.
* gaya ng pangangalaga sa mga dangal ng mga tao;
* sa mga ari-arian nila;
* sa mga buhay nila;
* sa mga lihim nila at lahat ng ipinagkatiwala sa iyo ng mga tao.
Nagsabi si Allāh kaugnay sa pagbanggit ng mga katangian ng mga nagtagumpay:
{na sila sa mga ipinagkatiwala sa kanila at kasunduan sa kanila ay mga tagapag-alaga,} (Qur'ān 23:8)

S: Ang kataksilan. Ito ay ang pagwawala sa mga karapatan ni Allāh (napakataas Siya) at mga karapatan ng mga tao.
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: ...at kapag pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya." Napagkaisahan ang katumpakan.

S: Ito ay ang pagpapabatid ng umaayon sa reyalidad o ng bagay ayon sa kung ano ito.
Kabilang sa mga anyo nito:

Ang katapatan sa pagsasalita sa mga tao;
Ang katapatan sa pangako;
Ang katapatan sa salita at gawa.
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang katapatan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamabuting-loob, tunay na ang pagsasamabuting-loob ay pumapatnubay tungo sa Paraiso, at tunay na ang tao ay talagang nagsasabi nang tapat hanggang sa siya ay maging napakatapat." Napagkaisahan ang katumpakan.

S: Ang kasinungalingan. Ito ay ang salungat sa reyalidad. Kabilang doon ang pagsisinungaling sa mga tao, ang pagsira sa mga pangako, at ang pagsaksi sa kabulaanan.
Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang kasinungalingan ay pumapatnubay tungo sa pagsasamasamang-loob, tunay na ang pagsasamasamang-loob ay pumapatnubay tungo sa Impiyerno, at tunay na ang tao ay talagang nagsisinungaling hanggang sa itala siya sa ganang kay Allāh bilang palasinungaling." Napagkaisahan ang katumpakan. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang tanda ng mapagpaimbabaw ay tatlo: Kapag nagsalita siya, nagtataksil siya; kapag nangako siya, sumisira siya;" Napagkaisahan ang katumpakan.

S: - Ang pagtitiis sa pagtalima kay Allāh (napakataas Siya);
- Ang pagtitiis laban sa pagsuway;
- Ang pagtitiis sa mga itinakdang nakasasakit at ang pagpuri kay Allāh sa bawat kalagayan.
Nagsabi si Allāh:
{Si Allāh ay umiibig sa mga nagtitiis.} (Qur'ān 3:146) Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Pagkamangha ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyon ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kapag may dumapo sa kanya na kariwasaan ay nagpapasalamat siya, ito ay kabutihan para sa kanya; at kapag may dumapo sa kanya na kariwaraan ay nagtitiis siya, ito ay kabutihan para sa kanya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: Ito ay ang kawalan ng pagtitiis sa pagtalima, ang kawalan ng pagtitiis sa pagsuway, at ang pagpapakainis sa mga itinakda sa pamamagitan ng salita at gawa.
Kabilang sa mga anyo nito:

§ Ang pagmimithi ng kamatayan;
§ Ang pagtampal ng mga pisngi;
§ Ang pagpunit ng mga damit;
§ Ang paglalathala ng damdamin;
§ Ang pagdalangin ng kasawian laban sa sarili.
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang [bigat ng] ganti ay kaalinsabay ng bigat ng pagsubok at tunay na si Allāh, kapag umibig sa mga tao, ay sumusubok sa kanila. Kaya ang sinumang nalugod, ukol sa kanya ang lugod; at ang sinumang nainis, ukol sa kanya ang pagkainis." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Mājah.

S: Ito ay ang pakikipagtulungan sa mga tao sa ukol sa kanila sa katotohanan at kabutihan.
Ang mga anyo ng pakikipagtulungan:

* Ang pakikipagtulungan sa pagtugon sa mga karapatan;
* Ang pakikipagtulungan sa pagtugon sa tagalabag sa katarungan;
* Ang pakikipagtulungan sa pagpuno sa mga pangangailangan ng mga tao at mga dukha;
* Ang pakikipagtulungan sa bawat kabutihan;
* Ang hindi pakikipagtulungan sa kasalanan, pananakit, at pangangaway.
Nagsabi si Allāh:
{Magtulungan kayo sa pagsasamabuting-loob at pangingilag magkasala at huwag kayong magtulungan sa kasalanan at pangangaway. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay matindi ang parusa.} (Qur'ān 5:2) Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Tunay na ang mananampalataya para sa mananampalataya ay gaya ng gusali, na nagpapalakas ang isa sa isa." Napagkaisahan ang katumpakan. Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Ang Muslim ay kapatid ng Muslim; hindi siya nang-aapi nito at hindi siya nagsusuko nito [sa mang-aapi]. Ang sinumang nasa pagtugon sa pangangailangan ng kapatid niya, si Allāh ay nasa pagtugon sa pangangailangan niya. Ang sinumang nagpaluwag sa isang Muslim sa isang dalamhati, magpapaluwag si Allāh sa kanya sa isang dalamhati kabilang sa mga dalamhati ng Araw ng Pagbangon. Ang sinumang nagtakip sa isang Muslim, magtatakip sa kanya si Allāh sa Araw ng Pagbangon." Napagkaisahan ang katumpakan.

S: 1. Ang pagkahiya kay Allāh. Ito ay sa pamamagitan ng hindi pagsuway sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya).
2. Ang pagkahiya sa mga tao. Kabilang doon ang pagtigil sa mahalay na bastos na pananalita at ang paglalantad ng `awrah.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang Pananampalataya ay higit sa pitumpu o higit sa animnapung sangay. Ang pinakamainam sa mga ito ay ang pagsabi ng Walang Diyos kundi si Allāh at ang pinakamababa sa mga ito ay ang pag-aalis ng nakasasakit palayo sa daan. Ang pagkahiya ay isang sangay ng Pananampalataya." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: - Ang pagkaawa sa mga nakatatanda sa edad at ang pagpipitagan sa kanila;
- Ang pagkaawa sa mga nakababata sa edad at mga paslit;
- Ang pagkaawa sa maralita, dukha, at nangangailangan;
- Ang pagkaawa sa hayop sa pamamagitan ng pagpapakain dito at hindi pananakit dito.
Kabilang doon ang sabi ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Makakikita ka na ang mga mananampalataya sa pag-aawaan nila, pagmamahalan nila, at pagdadamayan nila ay katulad ng katawan; kapag dumaing ang isang bahagi ay magkakaisa para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat." Napagkaisahan ang katumpakan. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang mga naaawa ay maaawa sa kanila ang Napakamaawain. Maawa kayo sa mga naninirahan sa lupa, maaawa sa inyo ang sinumang nasa langit." Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmidhīy.

S: Ang pag-ibig kay Allāh (napakataas Siya).
Nagsabi si Allāh:
{samantalang ang mga sumampalataya ay higit na matindi sa pag-ibig kay Allāh.} (Qur'ān 2:165)
Ang pag-ibig sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Nagsabi siya:
"Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa ako ay maging higit na iniibig sa kanya kaysa sa magulang niya at anak niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.
Ang pag-ibig sa mga mananampalataya at ang pag-ibig ng kabutihan para sa kanila gaya ng pagkaibig mo rito para sa sarili mo.
Nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga): "Hindi sumasampalataya ang isa sa inyo hanggang sa umibig siya para sa kapatid niya ng iniibig niya para sa sarili niya." Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy.

S: Ito ay ang kaaliwalasan ng mukha kasabay ng pagkatuwa, pagngiti, kalumayan, at pagpapakita ng pagkagalak sa sandali ng pakikipagkita sa mga tao.
Ito ay kasalungat ng pagsimangot sa harap ng mga tao, na kabilang sa nakapagpapalayo ng loob nila.
Kaugnay sa kainaman niyon, nasaad ang mga ḥadīth sapagkat ayon kay Abū Dharr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag ka ngang magmaliit ng anuman mula sa kabutihan kahit pa man sumalubong ka sa kapatid mo nang may isang mukhang maaliwalas." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagngiti mo sa harap ng kapatid mo, para sa iyo ay isang kawanggawa." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy.

S: Ito ay ang pagmimithi ng paglaho ng biyaya sa ibang tao o ang pagkasuklam sa biyaya sa ibang tao.
Nagsabi si Allāh:
{at laban sa kasamaan ng isang naiinggit kapag nainggit ito.} (Qur'ān 113:5)
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Huwag kayong magmuhian, huwag kayong mag-inggitan, huwag kayong magtalikuran, at maging magkakapatid kayo, mga lingkod ni Allāh."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

T: Ito ay ang panunuya sa kapatid mong Muslim at ang pagmamaliit sa kanya. Ito ay hindi pinapayagan.
Nagsabi si Allāh kaugnay sa pagsaway laban doon:
{O mga sumampalataya, huwag manuya ang ilang lalaki sa ilang lalaki; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti kaysa sa kanila [na nanunuya]. Huwag [manuya] ang ilang babae sa ilang babae; baka ang mga [tinutuyang] ito ay higit na mabuti sa kanila [na nanunuya]. Huwag kayong manuligsa sa isa't isa sa inyo at huwag kayong magtawagan ng mga [masamang] taguri. Kay saklap bilang pangalan ang kasuwailan matapos ng pananampalataya. Ang sinumang hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. } (Qur'ān 49:11)

S: Ito ay ang hindi magturing ang tao sa sarili niya bilang higit sa mga ibang tao kaya hindi niya mamaliitin ang mga tao at hindi niya tatanggihan ang katotohanan.
Nagsabi si Allāh:
{Ang mga lingkod ng Napakamaawain ay ang mga naglalakad sa lupa sa kababaang-loob...} (Qur'ān 25:63) Ibig sabihin: "naglalakad bilang mga mapagpakumbaba". Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang nagpakumbaba na isa man kay Allāh bilang mag-aangat sa kanya si Allāh." Nagsalaysay nito si Imām Muslim. Nagsabi pa siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay nagkasi sa akin na magpakumbaba kayo nang sa gayon hindi magmayabang ang isa sa isa at hindi lumabag ang isa sa isa." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: 1. Ang pagmamalaki sa katotohanan at ito ay ang pagtulak sa katotohanan at ang hindi pagtanggap dito.
2. Ang pagmamalaki sa mga tao at ito ang pagmamaliit sa kanila at ang paghamak sa kanila.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng isang katiting na pagmamalaki." Kaya may nagsabing isang lalaki: "Tunay na ang tao ay nakaiibig na ang damit niya ay maging maganda at ang sapatos niya ay maging maganda." Nagsabi naman siya: "Tunay na si Allāh ay marikit na nakaiibig ng karikitan. Ang pagmamalaki ay ang pag-ayaw sa katotohanan at ang pang-aaba sa mga tao." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
- Ang pag-ayaw sa katotohanan ay ang pagtanggi rito.
- Ang pang-aaba sa mga tao" ay ang paghamak sa kanila.
- Ang magandang damit at ang magandang sapatos ay hindi bahagi ng pagmamalaki.

S: - Ang pandaraya sa pagtitinda at pagbili at ito ay ang pagkukubli ng kapintasan ng paninda.
- Ang pandaraya sa pag-aaral ng kaalaman at ang tulad niyon ay ang pandaraya ng mga estudyante sa mga pagsusulit.
- Ang pandaraya sa sinasabi gaya ng pagsaksi sa kabulaanan at kasinungalingan.
- Ang hindi pagtupad sa sinasabi mo at pinagkasunduan mo sa mga tao.
Kaugnay sa pagsaway laban sa pandaraya:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naparaan sa isang bunton ng pagkain saka nagpasok siya ng kamay sa loob nito saka nakakapa ang mga daliri niya ng pamamasa kaya nagsabi siya: "Ano ito, O may-ari ng pagkain?" Nagsabi naman ito: "Tumama po riyan ang ulan, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Kaya ba hindi ka naglagay nito sa ibabaw ng pagkain upang makita ng mga tao? Ang sinumang nandaya ay hindi kabilang sa akin."} Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Ang bunton ng pagkain ay ang tumpok ng pagkain.

S: Ito ay ang pagbanggit sa kapatid mong Muslim ng anumang kasusuklaman niya samantalang siya ay nakaliban.
Nagsabi si Allāh:
{Huwag manlibak ang ilan sa inyo sa iba. Iibigin ba ng isa sa inyo na kumain ng laman ng kapatid niya kapag patay na? Masusuklam kayo rito. Mangilag kayong magkasala kay Allāh. Tunay na si Allāh ay Palatanggap ng pagbabalik-loob, Maawain.} (Qur'ān 49:12)

S: Ito ay ang paglilipat ng mga usapan sa gitna ng mga tao para makapanira sa kanila.
Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang papasok sa Paraiso na isang palasatsat." Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: Ito ay ang pagbibigat-bigatan sa paggawa ng kabutihan at anumang kinakailangan sa tao ang paggawa niyon.
Kabilang doon ang pagtatamad-tamaran sa paggawa ng mga kinakailangan.
Nagsabi si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay nagtatangkang manlinlang kay Allāh samantalang Siya ay lumilinlang sa kanila. Kapag tumayo sila patungo sa dasal ay tumatayo sila bilang mga tamad na nagpapakitang-gilas sa mga tao at hindi sila umaalaala kay Allāh malibang madalang,} (Qur'ān 4:142)
Kaya nararapat para sa mananampalataya ang pagwaksi ng katamaran, kabatuganan, at kawalang-gawain; ang pagpupunyagi sa trabaho; ang pagkilos, ang kaseryosohan; at ang pagsisikap sa buhay na ito sa pamamagitan ng kinalulugdan ni Allāh (napakataas Siya).

S: 1. Galit na mapupuri at ito ay para kay Allāh kapag nilabag ng mga tagatangging-sumampalataya o mga mapagpaimbabaw o mga iba pa sa kanila ang mga pinakababanal Niya (kaluwalhatian sa Kanya).
2. Galit na mapupulaan at ito ay ang galit na nagsasanhi sa tao na gumawa at magsabi ng hindi nararapat.
Ang Lunas sa Galit na Mapupulaan
Ang pagsasagawa ng wuḍū';
Ang pag-upo kung nakatayo at ang paghiga kung nakaupo.
Ang pananatili sa tagubilin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay roon: "Huwag kang magalit."
Ang pagkontrol sa sarili sa pagsilakbo sa sandali ng pagkagalit.
Ang paghiling ng pagkupkop ni Allāh laban sa demonyong isinumpa.
Ang pananahimik.

S: Ang pagbubunyag at ang pagsasaliksik sa mga kahihiyan ng mga tao at mga pinagtatakpan nila.
Kabilang sa mga anyo nitong ipinagbabawal:

- Ang paninilip sa mga kahihiyan ng mga tao sa mga bahay.
- Ang pakikinig ng tao sa pag-uusap ng mga ibang tao nang walang pagkaalam nila.
Nagsabi si Allāh:
{Huwag kayong maniktik.} (Qur'ān 49:12)

S: Ang pag-aaksaya ay ang paggugol ng salapi nang wala sa katwiran.
Ang kabaliktaran nito ay ang karamutan, ang pagpigil sa paggugol nang wala sa katwiran.
Ang tumpak ay ang pagkakatamtaman sa pagitan ng dalawang ito at na ang Muslim ay maging mapagbigay.
Nagsabi si Allāh:
{[Sila] ang mga kapag gumugol ay hindi nag-aaksaya at hindi sila nagkukuripot, at laging nasa pagitan niyon ay katamtaman.} (Qur'ān 25:67)

S: Ang karuwagan ay ang mangamba sa hindi nararapat na pangambahan,
tulad ng pangamba sa pagsasabi ng katotohanan at pagmamasama ng nakasasama.
Ang katapangan ay ang paglalakas-loob sa pagsasabi ng katotohanan at iyon ay tulad ng paglalakas-loob sa mga larangan ng pakikibaka para sa pagtatanggol sa Islām at mga Muslim.
Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa panalangin niya ng: "O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa karuwagan." Nagsabi pa ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang malakas na mananampalataya ay higit na mabuti at higit na kaibig-ibig kay Allāh kaysa sa mahinang mananampalataya. Sa bawat iba ay may kabutihan. Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

S: - Tulad ng pagmumura at pag-aalipusta.
- Tulad ng pagsabi kay Polano ng: "Hayop ka!" at tulad nito na mga pananalita.
- O pagbanggit ng mga kahihiyan kabilang sa mga salita ng kahalayan at kabastusan.
- Sumuway nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban doon sa kabuuan niyon sapagkat nagsabi siya: "Ang mananampalataya ay hindi ang palapanirang-puri, hindi ang palasumpa, hindi ang mahalay, at hindi ang bastos." Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām Ibnu Ḥibbān.

S: 1. Ang pagdalangin na pagkalooban ka ni Allāh ng kagandahan ng kaasalan at tulungan ka Niya roon.
2. Ang kamalayan kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) at na Siya ay nakaaalam sa iyo, nakaririnig sa iyo, at nakakikita sa iyo.
3. Ang pagsasaalaala sa gantimpala ng kagandahan ng kaasalan at na ito ay isang kadahilanan para sa pagpasok sa Paraiso.
4. Ang pagsasaalaala sa kahihinatnan ng kasagwaan ng kaasalan at na ito ay isang kadahilanan para sa pagpasok sa Impiyerno.
5. Na ang kagandahan ng kaasalan ay humahatak ng pag-ibig ni Allāh at pag-ibig ng nilikha Niya at na ang kasagwaan ng kaasalan ay humahatak ng galit ni Allāh at galit ng nilikha Niya.
6. Ang pagbabasa ng talambuhay ng Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) at ang pagtulad sa kanya.
7. Ang pakikisama sa mabubuti at ang pag-iwas sa pagsama sa masasama.